Gigising ng maagang-maaga
Kakain ng instant mami
Lalayas at mangagapit-bahay
Samer na samer na
Mag-aaral mag-bmx-bike
Mag-aaral mag-skateboard
Mag-aaral mag-rollerblades
Kahit pa malubak ang kalsada
Tanghali na hindi pa uuwi
Makikikain nalang sa ibang bahay
Basta’t may sopdrinks at yelo
Ahh…dighay-sinok-ehem-sarap!
Tapos pupunta sa kwarto
Maglalaro sa sahig ng nintendo
Laos na nun ang playstation
100-in-one games…kaya mo yon?
Isalpak mo na si Mario
Yung Super Mario 3
Ano ayaw gumana?
Hipan mo nga kaya…fooffrpppt!
Contra nalang 30 lives!
Up up down down left right left right
B A select start o ok na?
Pag labas, ay mali 3 lives pala!
A: Ano uulit ka pa?
B: Tara ulitin natin isa pa!
Biglang may sumigaw…
Hoy, puro kayo family computer!
Baka masira na ulo nyo dyan!
Sira na nga yang TV eh!
Labas nalang tuloy kami
Kaya kinuha ko yung bike
Binilisan ko ng takbo
Nang biglang sa harap nakita ko
…May humps!
may humps, may humps, may humps
may humps, may humps, may humps
may humps, may humps, may humps
(semplang!)
Tara laro nalang tayo ng patintero
Taching bol, kaps and robers?
Syato, taguan, langit lupa
Gabi na madilim na
Ano uwian na?
Sige bukas na
Tara bilis Shaider na!
Ang saya!
Walang beach beach pa nun
Di na kailangan ng swimming pool
Sa bahay nalang ako.