Hey! Mister Bangaw
Bakit ka nang-iistorbo?
Kahit na binibugaw
Gusto mo’ng pagkain ko?
Isang araw, pumunta ako sa isang fastfood. Syempre tanghali, nakakagutom. Umorder ako ng fried chicken meal na may gravy. Tapos softdrink ang inumin ko. Pagkatapos kong magbayad humanap ako ng table. Madaming kumakain, halos puno, pero ok lang nakahanap na ako ng mauupuan. Ako lang mag-isa, paki ko, eh wala ako kasama eh. Nung kakain na ako may isang langaw na na umaaligid, gustong dumapo sa chicken ko. Sabi ko, "Shhhhhs! langaw alis diyan!" sabay binugaw ko ng kamay papalayo, lumayo naman. After 3 seconds bumalik ulit, di nagtanda ang langaw. Ngayon gusto namang lumapag sa softdrinks ko. Niwasiswas ko ulit kamay ko. Sabi ko, "Langyang langaw ka umalis ka nga!" sabay kuha ng dyaryo kong libre. Di ko na hinampas kasi lumayo. Sinundan ko nang tingin, pero biglang nawala. After 5 seconds, ayan na naman sya.
Hoy! Mister Bangaw
Bakit ka nang-iistorbo?
Ba’t di ka dun lumipat
Gusto mo’ng pagkain ko?
Pesteng langaw yan o. Ba’t ba kasi sa akin ka pa pupunta. Sa dinami-dami ba namang tao dito sa akin ka pa dikit ng dikit. Pagbinugaw mo naman, lalayo nga, pero babalik ulit sa iyo. May pagkain naman sa ibang table. Masmarami pang pagkain sa iba. Bakit kasi hindi sya lumipat ng table, ano bang meron sa akin? Naligo naman ako. Mas mukhang mabaho pa yung isa dun…amoy ko pa hanggang dito. Kadiri, pero sakin ka nag…naknang…wala na…eto na talaga di na ako makakapagpigil pa. Hahampasin na kitang langaw ka!
Hi! Mister Bangaw
Bakit ka nang-iistorbo?
Kahit na binibugaw
Gusto mo’ng pamalo ko?
Hinampas ko ng dyaryo sa ere, umiwas. Hinapas ko ulit, umilag. Dumapo sa table…PAK! Nawala, san kaya nagpunta. Wala na sya.
Pagtingin ko sa ibabaw ng kanin ko, nakatitig sya sa mukha ko…pucha.
Hey! Mister Bangaw
Mister Bangaw
Mister Bangaw
Hey! Mister Bangaw
Mister Bangaw
Mister Bangaw
Tas may sumunod na isa, masmalaki pa sa kanya, dumapo na sa baso ko. Basta yung maiitim na makintab ang pwet. Yak! Binugaw ko sya…SAPUL…hindi yung bangaw, yung baso ko, tumapon ang laman. Kalat. Basa. Kakahiya.
…
Sabi ng staff, papalitan nya softdrinks ko…pati narin ang kanin. Pumayag naman akong parang tanga. Eh ano ngayon, kelangan kong kumain eh. After isang minuto may narinig akong "BZZT-BZZT!" dun sa dulo. Hah, may blue light insect killer pala, wala palang silbi yun. Pero napatingin ako sa gravy ko nung may narinig akong "bzzzzzzzzzzzzzt"…abay akalain mo. Alam mo yung mas malaki sa bangaw ng kulay gray and black na may buhok-buhok pa sa pwet. Kadiri.
Walkout.
At last, bahay na, tutulog na ako. After 2 hours, may langaw na dadapo sa tenga mo. OF ALL THE PLACES MEYN!